Hindi tinanggap ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang dalawang truck ng ballot boxes mula Iloilo City kaugnay sa Vice Presidential protest.
Ito ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo ay dahil hindi kabilang ang Iloilo City sa mga lugar na pinili ni dating Senador Bongbong Macos para sa iginigiit na recount.
Nilinaw ng kampo ni Robredo na tanging ang mga balota lamang mula sa lalawigan ng Iloilo at hindi sa lungsod ang ipapasailalim sa recount.
Mahigit isang libong ballot boxes na mula sa Camarines Sur ang dumaan sa recount habang halos walong daan na lamang ang natitira bago simulan ang pagbibilang ng mga balota mula sa lalawigan ng Iloilo.
—-