Kalaboso ang dalawang tulak ng droga sa bayan ng Tiaong, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Cunanan, 45 anyos at Rhovic Lopez, 20 anyos.
Ayon kay Quezon Provincial Police Director, Col. Joel Villanueva, nagbenta umano sina Cunanan at Lopez ng dalawang pack ng droga sa isang undercover police.
Nasabat ng mga otoridad ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 80,000 pesos at isang patalim.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 ang dalawa. —sa panulat ni Mara Valle