Patay sa engkwentro ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa barangay San Roque, Nueva Ecija.
Kinilala ang dalawang nasawi na si Randy Boy Acquiat, 33-anyos at Jonathan Tipano, 33-anyos.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsagawa ng buy-bust ang Drug Enforcement Team ng Gapan City Police sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), laban sa dalawang suspek sa nabanggit na lugar.
Ayon kay P/Lt.Col. Alexie Desamito, isang poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng iligal na droga kung saan, nang akmang aarestuhin na ang dalawang suspek ay nanlaban ang mga ito saka pinaulanan ng bala ang mga operatiba.
Swerte namang sumablay ang mga ito pero gumanti ng putok ng baril ang mga otoridad dahilan ng kanilang agarang pagkasawi.
Nakuha sa pinangyarihang krimen ang 15-plastic sachet ng umano’y shabu na abaot sa 75 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
Nakuha rin ang isang caliber .45 pistol at isang caliber .38 revolver mula sa mga nasawing suspek.
Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung may kasabawat pa ang mga nasawing suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero