Arestado ang dalawang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na sina Najeb Abdulwahab, 26-anyos at Najir Mustapha, 30-anyos.
Nakuha mula sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money, dalawang supot ng hinihinalang shabu na may timbang na 200 gramo na may street value na P1,360,000, at motor na ginamit ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—sa panulat ni Hya Ludivico