Timbog ang dalawang tulak umano ng shabu, kabilang ang isang babae, sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 1 Brgy Sucat, Muntinlupa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mary Grace Merilo, 46 taong gulang, at Robert Guardailao, 43 taong gulang.
Bukod sa P500 buy-bust money, nakumpiska rin mula sa dalawa ang P68K na halaga ng umano’y shabu.
Reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspek.