Dalawang (2) turista ang nasawi habang apat (4) na iba pa ang nasugatan makaraang pagsasaksakin sa isang beach resort sa Hurghada, Egypt.
Batay sa ulat ng Al-Ahram News Agency, inilarawan ang mga napatay na mga Ukrainian.
Subalit ayaw namang kumpirmahin ni Ukrainian Foreign Ministry Official Vasyl Kyrylych na mga kababayan nila ang mga nasawi.
Sinasabing lumangoy lang mula sa kabilang beach resort ang suspek at nang makita ang mga biktima ay walang awang pinagsasaksak ang mga ito.
By Jelbert Perdez
*Photo: EPA