Nasagip ang dalawang Turkish National matapos masunog ang kanilang yate malapit sa Limbones Island sa bayan ng Nasugbu, Batangas.
Ang kapitan ng yate na si Erdinc Turerer na nagtamo ng 1st degree burns at ang boatman na si Abdula Ercel ay nailigtas mula sa nasusunog na yate ng mga lokal na mangingisda at otoridad.
Sinabi ng Nasugbu Police na naglalayag ang mga biktima mula San Isidro, Leyte patungong Ilocos Norte nang ibagsak ng malalakas na alon ang mga fuel container ng yate sa silid ng makina at tangke ng gas nito, na nagdulot ng pagsabog at nagsimula ang apoy.
Nagawa ng dalawang biktima na iwanan ang yate bago ito sumabog, ngunit pinaghiwalay sila ng malakas na agos.
Isinugod naman sa malapit na ospital ang dalawang biktima at nasa maayos nang kalagayan.
.