Isasara na nang tuluyan ang dalawang U-turn slot sa kahabaan ng EDSA sa Caloocan City bukas, Enero 11, 2021.
Matatandaang noong Disyembre pa sanang isasara ang mga U-turn slot sa Bagong Barrio at General Malvar, pero ipinagpaliban ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon pa sa MMDA, ang lahat ng apektadong motorista maaaring mag-U turn sa De Jesus o Monumento Circle na papuntang south.
Samantala, hindi pa raw ibabalik ang number coding scheme sa NCR dahil limitado pa rin ang public transport sa rehiyon. —sa panulat ni John Jude Alabado