Sinasabing wala na sa bansa ang dalawang pinagkakatiwalaang tauhan ni Vice President Jejomar Binay na sina Ebeng Baloloy at Gerry Limlingan.
Ito ang kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes IV makaraang makatanggap siya ng impormasyon mula sa kaniyang insider mula sa kampo ng mga Binay.
Gayunman, tiniyak ni Trillanes na paliliitin nila ang mundo ng dalawa lalo na kapag naisampa na sa Sandiganbayan ang mga kaso laban sa kanila dahilan upang kanselahin ang kanilang mga pasaporte.
Matatandaang makailang beses nang pinilit ng Senate Blue Ribbon Sub Committee na paharapin ang dalawa sa kanilang pagdinig hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian laban sa Pangalawang Pangulo.
By Jaymark Dagala