Handang magkaloob ng dalawa25milyong bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas ang dalawang biopharmaceutical firms ng Amerika na Moderna at Arcturus.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Manuel Romualdez, umaasa ang mga nabanggit na kumpaniya na ikukonsidera sila ng pamahalaan upang maidagdag sa bakunang ipamamahagi sa mga Pilipino.
Sakaling pagbigyan, mapapasakamay ng bansa ang mga bakuna mula sa dalawang kumpaniya sa ikatlong quarter ng susunod na taon.
Sa kasalukuyan, binigyan na ng emergency use authorization ng US Food and Drugs ang Moderna para magamit sa kanilang mga estado.