Itinigil pansamantala ang bakunahan sa dalawang sites sa Navotas matapos mangailangan ng dagdag personnel sa isang isolation facility.
Ayon sa Navotas City Government, halos 1,000 doses ang ibinaba sa arawang target ng lungsod ngayong linggo dahil na rin sa pangangailangan ng frontliners na maserbisyuhan ang mga nasa quarantine facilities.
Bukod dito, nangangailangan ng health workers para i-monitor ang mga naka home quarantine kaya’t natigil rin pansamantala ang house to house vaccination para sa mga bedridden patients.
Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nananatiling trend ang household transmission kaya’t nakakasa ang ilang residential lockdown.
Kasabay nito, tiniyak ni Tiangco ang patuloy na pagbibigay ng ayuda sa kanilang constituents kung saan mahigit P95 milyon mula sa halos P200 milyon na pondo ang naibigay sa beneficiaries.