Nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang antigong bomba habang nagsasagawa ng soil sampling operation sa baybayin ng San Nicolas, Cavite.
Ayon sa PCG-Cavite Station, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag upang ipagbigay alam ang mga nakitang pampasabog.
Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa naturang lugar upang magsagawa ng safety explosive handling procedure.
Matapos na makuha ang mga bomba ay agad itong dinala sa disposal ng maynila upang maiwasan ang anumang panganib.—sa panulat ni Airiam Sancho