Arestado sa bansa ang dalawang wanted na Chinese dahil umano sa pagnanakaw sa kanilang mga kababayan.
Unang nahuli sa labas ng isang hotel sa Paranaque ang itinuturing na isa sa most wanted fugitive si Chen Yan Hua na nambiktima raw ng 13 mayayaman na Chinese nationals sa China.
Nakakuha ng suspek sa mga biktima ang mahigit P55-M.
Samantala, sa kahiwalay na operasyon ay naaresto naman ang isa pang Chinese fugitive na si Cu Xiao Jun na tumangay naman ng milyun – milyong piso sa pamamagitan ng card fraud.
Agad na pina deport pabalik ng China ang mga dayuhan para papanagutin sa batas.