Timbog ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na operasyon ng mga elemento ng SPD o Southern Police District sa Las Piñas at Parañaque.
Sa King Fisher St., Gatchalian Subd., Manuyo Dos, Las Piñas, huli si Dianna Joy Imperial na may kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 o bouncing checks law kung saan aabot sa P6,000 ang itinakdang piyansa ng korte laban sa akusado.
Sa Saigon St., Brgy. Don Bosco, Parañaque, nadakip din ng mga kagawad ng Las Piñas Police ang isang Marlyn Pedrigal na may kasong estafa.
Aabot naman sa 30,000 pesos ang inirekomendang piyansa laban sa akusado.