Dalawang weather system ang nakakaapekto ngayon sa bansa na nagdudulot ng mga pag-ulan partikular sa malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang tail-end of a cold front ay nakakaapekto sa eastern section ng Central at Southern Luzon kabilang na ang Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, at mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Aurora, habang ang hanging amihan ay umiiral pa rin sa Northern Luzon kabilang na rito ang Cagayan Valley, Cordillera at ilang parte ng Central Luzon.
Pulo-pulong pag-ulan, pag-kulog at pag-kidlat naman ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa.
Samantala, wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility sa ngayon, subalit nakataas pa rin ang gale warning o ang babala sa malalakas na pag-alon ng karagatan dulot pa rin ng northeast monsoon.
By Aiza Rendon