Patuloy na nakakaapekto sa Bicol Region ang Low Pressure Area (LPA) na nasa layong 160 kilometer east ng Daet, Camarines Norte.
Ito ay nakapaloob sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Dahil sa dalawang weather system na ito, maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Metro Manila, Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Kabikolan, gitna at silangang Kabisayaan at Mindanao.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.