TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa pang websites na hinihinalang sangkot sa e-sabong games.
Dahil dito, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nasa 14 websites na ang mga namo-monitor nilang nagpapalabas ng online cockfighting.
Walo naman aniya ang Facebook pages na nagpapakita ng e-sabong operations.
Samantala, ipinabatid na rin ng PNP sa DICT o Department of Information and Communications Technology at maging sa Facebook ang resulta ng kanilang imbestigasyon.