Inaprubahan kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2 week extension ng travel ban para sa lahat ng flights mula sa United Kingdom dahil sa banta ng new COVID-19 strain.
Pinayagan ni Pangulong Duterte na mapalawig ng dalawang linggo ang travel ban sa UK makaraang irekomenda ito ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at ng Department of Health (DOH), kabilang na ang technical working group ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon sa Pangulo, walang sinumang nakakaalam kung paano kumikilos ang new variant at kung gaano ito kabilis kumalat.
Kayat giit ng punong ehekutibo, ang pinakamainam na gawin ay ang magpatupad ng mga preemptive measure, tulad ng pagpapatigil ng flights mula sa mga lugar na may kaso ng new COVID-19 strain.