Kinakailangan pang magpatupad ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) ang pamahalaan.
Ito, ayon sa OCTA Research group, ay upang mapanatili ang naging resulta ng ipinatupad na ECQ sakaling hindi na ito kayanin na palawigin pa.
Ayon kay Professor Ranjit Rye, hindi pa ideal ang sitwasyon ng COVID-19 sa NCR Plus o sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, o ‘premature’ pa kung muli na itong bubuksan.
Nananatili pa kasi aniyang mas mataas sa 1 ang reproduction number ng virus, na nangangahulugan aniya na posible pa ring makahawa ang isang may COVID-19 sa mahigit isa pang katao.
Dagdag pa ni Rye, marami pa ring mga ospital sa Metro Manila ang nananatili sa critical level.
Magugunita namang sinabi ng Malacañang na malabo nang palawigin pa ang ECQ sa NCR Plus na nakatakdang matapos sa ika-11 ng Abril ngayong taon.