Walang nakikitang problema si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Hans Leo Cacdac sa dalawang linggong travel ban na ipinatutupad ng Hong Kong mula sa mga manggagaling ng Pilipinas, India at Pakistan.
Sinabi sa DWIZ ni Cacdac na ang dapat gawin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakdang magbiyahe pa-Hong Kong na makipag-ugnayan sa airlines at kanilang employment agency na siyang bahalang mag-advise sa employers ng mga OFW sa Hong Kong.
Tuloy pa ho, pero ‘yun nga po, may 2-week restriction dahil nga sa health protocols ng Hong Kong. Tuloy pa naman, pwede pa naman magrecruit ang recruitment agency kaya lang nakaantala lang ngayon,” ani Cacdac. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais