Nanawagan si House Assistant Minority Leader France Castro sa Department of Education o DepEd na magpatupad muna ng dalawang linggong “Academic health break” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 3.
Ito, ayon kay Castro, kinatawan ng ACT-Teachers partylist, ang paraan upang mabigyan ng panahon na makapagpahinga at makapagpagaling ang mga estudyante, magulang at guro na nagkasakit sa gitna ng COVID-19 surge.
Wala anyang Sick leave benefits ang mga public school teacher sa ilalim ng kasalukuyang rules and regulations dahil mayroon na credits sa serbisyo at proportional na vacation pay.
Umapela rin ang mambabatas sa DepEd na paigtingin ang monitoring ng COVID-19 cases sa mga guro at mga school personnel dahil ang tamang datos ang makatutulong upang maibigay ang angkop na tulong sa sektor ng edukasyon. —sa panulat ni Mara Valle