Nagpositibo sa zika virus ang 2 babaeng Vietnamese.
Kinumpirma ng Health Ministry na isang 64-anyos na ginang mula sa Nha Trang at isa pang 33-anyos na babae mula sa Ho Chi Minh City ang nagpositibo sa nasabing virus matapos ang isinagawang tatlong rounds ng zika testing.
Sa ngayon ay stable na ang kondisyon ng dalawa.
Ito ang kauna-unahang zika infections sa Vietnam.
By Meann Tanbio