Nasa 20 bansa pa sa buong mundo ang mababa sa 10% ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Kate O’brien, Vaccines Chief ng World Health Organization (WHO), karamihan sa mga bansang ito ay African countries na bigong maabot ang vaccination target.
Bumaba naman ang bilang mula sa 34 noong Enero.
Sa ngayon, sa kabila ng mababang datos ay umaasa ang WHO na mapapaigting pa ang programa, dahil hindi naman problema ang suplay ng mga COVID-19 vaccines.