Tiyak na maraming personal care, cosmetics at home care companies ang tatamaan sa imbestigasyon ng Kongreso sa di umano’y hindi tamang pagbabayad ng mga ito ng buwis.
Bagamat tumanggi pa ng magbigay ng detalye si Congressman Arnie Teves Jr., posible anyang hindi bababa sa dalawampung (20) kumpanya ang masangkot sa tax evasion.
Ayon kay Teves, umaasa siyang maibibigay na sa isang komite ang resolusyon niyang humihingi ng imbestigasyon sa hindi tamang pagbabayad ng buwis ng cosmetics at personal care companies upang masimulan na ito sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo.
Batay anya sa datos, masyadong malaki ang diperensya ng totoong bilang ng naibebentang produkto sa isang taon sa bilang na inire-report ng mga sangkot na kumpanya.
“Kaya natin ito pinapaimbestigahan para malaman natin ang laki dahil sa discrepancy pa lang ng gross income medyo malaki na po kumbaga yung isa napansin ko parang sa P1 billion something na sales, ang deklarado lang nila ay wala pa yatang 200 million.” Pahayag ni Teves
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)