Nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at iba’t ibang Japanese company ang nasa dalawampung (20) business agreements na nagkakahalaga ng $4.5-B o P300-B.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, bahagi ito ng sidelight sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 25th Nikkei International Conference on the Future of Asia.
Aniya, may kinalaman sa imprastraktura, manufacturing, electronics, medical devices, BPO, electricity, transport, automotive at marine power ang mga nasabing kasunduan.
Inaasahan naman ni Lopez na makalilikha ito ng 80,000 mga trabaho sa bansa.