Dalawampung (20) porsyentong buwis ang sisingilin ng Amerika sa lahat ng produkto ng Mexico na papasok sa Estados Unidos.
Layon nito na makalikom ang Trump administration ng pondo para sa pagpapatayo ng pader sa pagitan ng Estados Unidos at Mexico.
Ang planong pagpataw ng buwis sa mga produkto ng Mexico ay nakapaloob sa tax overhaul package na nakahain sa Kongreso ng Amerika.
Ayon kay White House Spokesman Sean Spicer, sampung (10) bilyong dolyar ang inaasahan nilang malilikom na pondo para matustusan ang pagpapatayo ng pader na naglalayong mapigilan ang pagpasok ng mga Meksikano sa Amerika.
By Len Aguirre