Sinibak sa pwesto ang 20 chief of police sa Western Visayas dahil sa umano’y mahinang performance sa kampanya laban sa iligal na droga.
Lima sa mga ito ay mula sa Iloilo Provincial Police Office na kinabibilangan ng mga hepe ng pulisya mula sa bayan ng Bingawan, Igbaras, Leon, Mina at San Rafael.
Ni – relieve din sa pwesto ang mga hepe mula sa mga bayan ng Altabas, Balete at Malinao sa Aklan.
Di rin nakaligtas at sinipa rin sa pwesto ang mga hepe mula sa mga bayan ng Lawa-an, Tobias Fornier, Anini-y at Sebaste sa Antique at ang limang chief of police sa Negros Occidental.
Ikinagulat naman ni Arevalo Police Station Chief of Police Senior Inspector Mary Grace Borio ang pagsibak sa kaniya sa puwesto gayung sa Iloilo City, ang nangunguna sa kampanya kontra illegal na droga.