Isinusulong ni Isabela 6th district representative Inno Dy na mabigyan ng 20 porsiyentong diskwento sa pamasahe ang mga mag-aaral kapag bumibili ng ticket o nagre-reload ng kanilang mga beep card online.
Nais ng mambabatas na amyendahan ang Section 5 ng Republic Act number 11314 na nag-uutos ng diskwento sa pamasahe ng mga estudyante sa mga pampublikong transportasyon.
Ang kasalukuyang bersyon ng batas ay nag-aatas sa mga estudyante na ipakita sa personal ang kanilang school identification card sa tuwing bibili ng ticket na ayon sa mambabatas ay nagdi-disincentivize sa paggamit ng teknolohiya kapag sa katunayan ay dapat nating isulong ang mas malawak na pagsulong nito.
Kung maaprubahan, ang mga mag-aaral ay maaaring mag-avail ng mga diskwento kapag nire-reload ang beep card para sa pagbabayad ng pamasahe sa tren at bus o kapag bumibili ng mga tiket sa eroplano pauwi sa kanilang mga probinsya.—mula sa panulat ni Hannah Oledan