20 environmental enforcers ang ipapakalat ng DENR sa October 15 kung kailan itinakda ang dry run ng re opening ng Boracay.
Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na layon nilang matiyak na maipatutupad ng tama ang mga polisiya sa muling pagbubukas ng isla.
Ayon kay Cimatu, gagawin nilang modelo sa iba pang tourist destination sa bansa ang rehabilitasyon sa Boracay.
Maglalagay din aniya sila ng permanent office sa Cagban area para matutukang mabuti ang gagawing monthly inspection sa kalidad ng tubig ang mga compliant establishment.
Nilinaw ni Cimatu na ang walk in local tourist lalo na ang mga aklanon na papasok sa isla sa dry run ay hindi papayagang mag overnight.
Inaasahang mapupuno ang itinakdang 1,000 kuwarto na bubuksan sa dry run.