Inaasahang isasailalim sa lockdown ang 20 dahil sa pagdami ng mga empleyado nitong nagpo positibo sa COVID-19.
Ipinabatid ito ni Michelle Schlosser, spokesperson ng Davao City COVID-19 task force sa gitna na rin nang ginagawa nilang patuloy na zoning containment strategy kung saan hinahanap nila ang mga establishment na nakapagtalaga ng mataas na kaso ng COVID-19.
Inamin ni schlosser ang surge o pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Davao City dahil sa paglabag sa contract tracing protocols.
Kasabay nito nanawagan ang task force ng kooperasyon sa publiko lalo na ang mga nakakatanggap ng mensahe na kailangang sumailalim sa swab test.
Magugunitang inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kabilang ang mga bangko, BPO’s at iba pang mga opisina sa mga nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod