Hinatulan ng hukuman sa Bangladesh ang dalawampung estudyante ng isang unibersidad ng kamatayan at lima pang kabilangng habambuhay na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa kapwa mag-aaral na bumabatikos sa gobyerno sa social media.
Ayon sa imbestigasyon, binugbog hanggang sa mamatay ang biktimang si Abrar Fahad, estudyante sa Bangladesh University of Engineering and Technology (BUET) noong Oktubre 2019 ng mga miyembro ng Chhatra League.
Ang nasabing pagpaslang ay nagbunsod ng malawakang protesta ng mga estudyante at libu-libong indibidwal na nagtungo sa mga lansangan ng nasabing bansa upang igiit ang hustiya.
Samantala, inihatol ng hukuman ang naturang parusa upang hindi na maulit ang karumaldumal na pangyayari. —sa panulat ni Airiam Sancho