Arestado ang dalawampu (20) katao matapos salakayin ng pulisya ang tatlong (3) cybersex dens sa Quezon City.
Sampu (10) rito ang naaresto sa isang unit ng One Executive Building sa West Avenue samantalang ang sampung (10) iba pa ay sa isang residential building sa Ilocos Sur Street Barangay Bago Bantay.
Samantala, wala namang inabutang tao ang Philippine National Police o PNP Anti-Cybercrime Group at QCPD Special Operations Unit sa isa pang condominium sa Timog Avenue.
Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Guillermo Eleazar, ang mga nahuling suspects ay nagsisilbing online chat operators at nagpapanggap na mga modelo.
Ginagamit anya ng mga suspects ang nakukuha nilang impormasyon mula sa kanilang mga ka-chat para makapangikil.
By Len Aguirre