Patay ang 20 katao dahil sa pagguho ng lupa at mudslides na dulot ng masamang panahon sa India.
Ayon sa ilang disaster officials, nagpapatuloy ang rescue operations sa iba’t ibang estado kaya’t posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi at nasaktan.
Kabilang sa mga tinamaan ng mudslides ay ang mga distrito ng Cachar, Karimganj at Hailakandi, kapwa malapit sa borders ng Bangladesh.