Patay ang 20 rebelde matapos makasagupa ang security forces sa North Sinai Peninsula sa Egypt.
Ayon sa Armed Forces, bukod sa mga napatay ay 80 iba pa ang nadakip ng mga tropa ng gobyerno.
Matatandaang nagsimula ang mga pag-atake mula nang mapatalsik sa puwesto si Egyptian President Mohammad Morsi noong 2013 kung saan ikinasa ang crackdown laban sa kanyang Muslim Brotherhood Movement.
By Jelbert Perdez