Tinatarget ng pamahalaan na umabot sa 20-M katao ang maturukan ng kumpletong dose ng bakuna kontra COVID-19 bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa ngayon ay nasa higit 40-M na ang naiturok na bakuna sa bansa.
17.97-M sa mga ito ay pawang mga full vaccinated na.
Pagmamalaki pa ni Galvez na aabot sa 421,606 ang daily average vaccination rate ng ating bansa.
Kasunod nito, binigyang diin ni Galvez na patunay lamang ang mga numerong ito na maganda ang nagiging usad ng vaccination program ng ating bansa.