Nagbigay ang Australia ng 20 million dollars o 800 milyong pisong ayuda para sa muling pagbangon ng Marawi City at patuloy na pagsisikap na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon kay Australian Foreign Minister Julie Bishop, ang tulong ay ipagkakaloob sa Pilipinas sa loob ng apat na taon.
Dagdag pa ito sa 920,000 dollars na ibinigay ng Australian government para sa emergency food and supplies sa Marawi noong Hunyo.
Samantala, aabot naman sa 94,000 Singaporean dollar o 3.4 milyong pisong halaga ng humanitarian relief ang dinala ng Singaporean Armed Forces sa Marawi.
Kabilang dito ay mga tent, medical supplies, blankets, bottled water, dynamo lights at water filtration unit.
By Rianne Briones