Mahigit dalawampung (20) miyembro ng Maute terror group ang sumuko sa mga awtoridad sa Marawi City.
Karamihan sa mga sumukong terorista ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner ay mula sa mga bayan ng Marantao at Piagapo.
Sinabi ni Brawner na ilan sa nahuling terorista ay nakihalo sa mga residenteng nagsilikas at nagpanggap na evacuees.
Malaking tulong aniya ang mga residente na nagturo sa mga awtoridad laban sa mga terorista.
—-