Dalawampung (20) miyembro ng teroristang grupo na Taliban sa ang napatay ng mga awtoridad makaraang magtangkang sumalakay sa Ghazni Province, Afghanistan.
Ayon sa mga awtoridad, tinangkay salakayin ng mga terorista ang mga security checkpoint sa Qarabagh District dahilan upang sumiklab ang ilang oras na sagupaan.
Dalawang pulis naman ang nalagas sa hanay ng gobyerno habang anim (6) na iba pa ang nasugatan.
Agad na-control ng mga awotoridad ang sitwasyon makaraang tumakas ang mga kalaban.
By Drew Nacino