Nasa 20 mosque pa ang hindi pa rin napapasok ng militar sa loob ng Marawi City.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni AFP Spokesman Brig Gen Restituo Padilla na nagtatago sa loob ng mga Mosqueng ito ang mga kalaban kasama ang mga bihag na sibilyan bagay na siyang nagpapahirap anya sa kanilang mga opensiba.
Gayunman, wala sa plano ngayon ng militar na bombahin ang mga nasabing mosque.
Noong nakaraang buwan nabawi na ng militar ang isang malaking mosque sa Marawi na Grand Mosque.
Noong Biyernes, nabawi na rin ng AFP ang ikalawang tulay sa lungsod na Banggolo Bridge.
Sa ngayon anya, nasa 300 mga gusali pa sa main battle area ang kailangan pang pasukin ng militar
Pagtitiyak ng AFP wala nang kawala ang mga teroristang naipit na sa loob ng Marawi.
By: Jonathan Andal
SMW: RPE