Ipinag-utos ng Malakaniyang sa lahat ng ahensya ng gobyerno na panatilihin ang 20% bilang ng kanilang mga tauhan sa dalawang linggong pag-iral ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular Number 87 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang tanging pinapayagan na full on-site capacity ang operasyon ay ang mga ahensya ng gobyerno lamang na nagbibgay ng health at emergency frontline services, laboratory at testing services, border control at iba pang critical services.
Gayunman, pinatitiyak ng Palasyo na kahit ECQ at limitado ang mga tauhan sa ibang ahensya ng gobyerno, magtutuloy-tuloy at magiging maayos pa rin ang pagbibigay serbisyo publiko ng mga ito.
Simula sa Agosto 6 hanggang 20 ay isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.