Sinampahan ng kasong katiwalian ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 opisyal at kawani ng National Center for Mental Health (NCMH) kasama ang tatlong pribadong indibidwal.
Kaugnay ito sa pagbili ng CT scan project na nagkakahalaga ng mahigit P3-milyon.
Kabilang sa mga kinasuhan sa Ombudsman sina Dr. Bernardino Vicente, retired NCMH medical center chief, at mga kasalukuyang opisyal na sina Dr. Beverly Azucena, Clarita Avila, Dionisio Tolentino, Dulce Valerio, Godofredo Valles, Dr. Jenkin Go, Engr. Esteban Gamurot at Dr. Alden Cuyos.
Kinasuhan din sina Charian Concepcion Aberin ng International Incorporated; Ronald Tan, general manager ng RJJL Construction and Trading; at Ronald Allan Gacoscos, general manager ng Gacoscos Construction at Portia Baviera ng Technomed.