Maswerteng nailigtas ang 20 pasahero mula sa lumubog na bangka sa Naga City, Cebu.
Ayon sa ulat, isang pribadong bangka ang sinakyan ng mga biktima na magkakamag – anak na nagkayayaan na maligo sa dagat bilang bahagi ng pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon sa operator ng motorbanca, hinampas sila ng malakas na alon at malakas na hangin dahilan para lumubog ang kanilang sinasakyang bangka.
Agad namang nasagip ang mga biktima at maswerteng walang nasaktan sa mga ito.