Patay ang 20 indibidwal habang sugatan naman at patuloy na nagpapagaling sa ospital ang 35 katao bunsod ng malawakang pagbaha sa Central Afghanistan.
Ayon sa Disaster Management officials, libu-libong kabahayan at lupain sa sektor ng agrikultura ang nasira ng walang tigil na pag-ulan.
Sa pahayag ni Mohammad Nassim Haqqani, spokesman ng Afghanistan’s Disaster Management Authority, patuloy pang tumataas ang bilang ng mga nasawi kung saan, pansamantala munang inilikas sa mataas na lugar ang mga residente.
Sa ngayon, nagsasagawa pa ng Search and Rescue Operation ang mga otoridad sa nabanggit na lugar.