Patay ang 20 katao matapos masunog ng buhay habang kritikal naman sa ospital ang 6 pang indibidwal sa banggaan ng isang pampasaherong bus at oil tanker sa Punjab, Pakistan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungo sana sa Karachi City mula sa Lahore City ang pampasaherong bus sakay ang 26 na pasahero kabilang na ang driver at kundoktor nang maganap ang insidente.
Ayon sa mga otoridad, dahil sa overspeeding kaya nasunog ang bus na sinasakyan ng mga pasahero.
Nabatid na ito na ang ikalawang major road accident na naganap sa nabanggit na lugar sa loob lamang ng 3 araw.