Patay ang 20 katao matapos i-masscre ng Allied Democratic Forces ang probinsya ng Ituri sa Congo.
Ayon sa Kivu Security Tracker, alas-8 ng gabi nagsimula ang pagsalakay kaya hindi na nakatakas ang mga biktima.
Pangunahing problema ng Ituri at North Kivu Province sa Congo ang mga rebeldeng grupo na dahilan lagi ng karahasan at patayan.
Mula Mayo noong nakaraang taon, nasa ilalim na ng State of Siege ang dalawang lugar para mahuli ang mga salarin.