Tinatayang dalawampu (20) ang patay kabilang ang tatlong (3) tribal chiefs at mga sibilyan sa pagsalakay ng mga US drone at helicopter Al-Bayda Province, Yemen.
Kabilang sa nasawi ang mga Al-Qaeda Sub-Leader na sina Abdulraouf, mga kapatid nitong sina Sultan Al-Zahab at Saif Alawi Al-Jawfi.
Anim (6) na bahay ang nawasak dahil sa mga pinakawalang missile ng mga US aircraft sa Yakla District.
Ito ang unang operasyon ng US Forces sa Yemen sa ilalim ni US President Donald Trump.
By Drew Nacino