Inilatag ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kanilang nakahandang plano ipang maisakatuparan ang pangako ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maging 20 pesos per kilo ang presyo ng bigas.
Ayon kay DAR Undersecretary David Erro, para bumaba ang presyo ng bigas kanilang imumungkahi sa susunod na administrasyon ang pag-mechanize ng mga palayan upang madagdagan ang produksyon ng palay at tumaas din ang suplay nito.
Ani ni Erro, ang pag-mechanize ng 150,000 hectares na lupain ay makakapag-produce ng 23 milyong kaban ng bigas.
Sinabi naman ni DAR Sec. Bernie Cruz, na dapat mapag-usapan agad ang proposal sa paparating na administrasyon upang makita na agad ang 20 pesos per kilo na bentahan ng bigas sa 2023.