Natanggap na ni Labor Secretary at Government Peace Negotiator Silvestre Bello ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapalaya sa 20 political prisoners.
Ipinagbigay alam na anya nila sa NDF ang desisyon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Bello, lalagdaan ng Pangulo ang release order bago mag-Pasko bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
Gayunman, iginiit ng kalihim na malabong mangyari ang hirit ng komunistang grupo na palayain lahat ng mahigit 400 political prisoner.
“Tungkol sa mga papalayaing yung may karamdaman, yung mga matatanda na, at mga babae rin, palalayain for humanitarian reasons. Nangako naman ang ating Pangulo na lahat ng political detainees ay palalayain pero dadaan sa proseso.”
By Drew Nacino | Balitang Todong Lakas