Dalawampung (20) pulis ang kumpirmadong gumagamit ng iligal na droga.
Batay ito sa isinagawang confirmatory test ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng inilunsad na random drug testing sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Chief Superintendent Emmanuel Aranas, 5 mula sa Luzon, 6 sa visayas at 9 na pulis naman mula sa Mindanao ang nagpositibo sa paggamit ng shabu.
Pinakamataas aniya sa mga ito ay isang SPO4 mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Samantala, inaasahan namang tataas pa ang naturang bilang sa oras na makuha ng PNP Crime Lab ang mga datos mula sa mga munisipalidad.
Bahagi ng pahayag ni Chief Superintendent Emmanuel Aranas
Drug killings investigation
Samantala, tuluy-tuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga naitatalang pagpatay sa mga hinihinalang drug suspect.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Leonardo Carlos, on going ang kanilang imbestigasyon sa 103 napaulat na drug killings mula May 10 hanggang July 3.
Hinimok din ni Carlos ang mga complainants na magsumite sa kanila ng reklmo sa kanilang tanggapan upang makatulong sa kanilang imbestigasyon.
Ipinaliwanag naman Carlos na dalawang target ng pulisya sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga, ito ay ang mga pusher at user at maging ang high value targets.
By Ralph Obina | Jonathan Andal (Patrol 31)