Ipinaaresto na ng Antipolo Regional Trial Court (RTC) ang 20 police officers na sangkot sa insidente ng pamamaril sa security aide ni dating Biliran Congressman Glenn Chong at kasama nitong babae sa Cainta.
Batay sa ipinalabas na warrant of arrest ni Antipolo RTC 4TH Judicial Region Branch 99 Judge Miguel Asuncion, inataasan ang NBI, CIDG, at PNP, na dakpin ang mga nabanggit na pulis na nahaharap sa dalawang counts ng murder.
Kabilang dito ang 6 na pulis Rizal, 4 na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG), at 10 police officers mula Regional Special Operations Group.
Wala namang irekomenda ang hukom na piyansa para sa mga akusadong pulis.
Kasabay nito, inaatasan din ang Bureau of Immigration (BI) na isailalim ang 20 suspek na pulis sa hold departure order list.
Disyembre noong nakaraang taon ng masawi sa umano’y shootout ang biktiman si Richard red Santillan, security aide ni Chong, at babaeng kasama nito habang papauwi mula sa isang gift giving activity sa Cainta, Rizal.